[In Filipino] Subuan at Putukan: Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah

Isang mapusok na araw sainyo! *charot*. Nang matanggap ko ang kopyang ito, hindi na ako nagdalawang-isip na isubo (hindi literal) kaagad ang libro upang maihabol sa Wikathon. Halos mapahiyaw (literal) naman ako kakatawa habang nagbabasa dahil sa mga eksena. Mukhang kailangan ko na atang mapanood ang pelikula.

Deskripsiyon

Zsazsa Zaturnnah tells the story of Ada, a cynical resident of a small provincial town, who gains superhuman abilities through a stone that falls from the heavens. With the ability to transform into the voluptuous and powerful Zaturnnah, Ada defends his hometown from dangerous otherworldly threats.

Adding color to this simple tale is the fact that Ada is a homosexual, proprietor of his own quaint beauty salon. Joining him in his extraordinary adventure is his frilly-mouthed assistant Didi and his secret love Dodong. Because of strong language and suggestive imagery, the comic book is strictly for mature readers.

Genre: Humor, Komiks/Graphic novel, Fantasy, LGBT+ (gay main character)
Age category: Adult
Rating: 4 stars

Kung naka-subaybay ka sa Facebook page ko, sana ay napasaya kita sa mga reading updates ko roon tungkol sa librong ito. Gaya ng mga pasilip na posted doon, punong-puno rin ng katatawanan ang libro.

Naaalala niyo ba ang mga klasik na comedy movies ng Pinas? Ganon ang dating sa akin ng mga hirit sa libro. Luma, pero epektib pa rin. Nakadagdag ring pang-aliw ang pagkaguhit sa ekspresyon ng mukha ng mga bida kaya’t tuloy-tuloy ako kung humahagikhik.

Hindi ako nag-expext ng complex na kuwento sapagkat maikli lang naman ang libro, pero nagulat pa rin ako sa mga karakter. Si Ada na ayaw palayain ang sariling magmahal? Ayos. Nagkulang ng kaunti sa karakter kay Didi, ngunit ayos pa rin naman.

Nakakatuwa ring isipin na nagkaroon ang Pilipinas ng superhero mula sa LGBT+ community. Mas nakatutuwa kung pagninilayan ang wakas ng kuwento, na may mensaheng nagpapahiwatig ng pagiging kontento sa sarili, kahit ano ka pa.

Maraming salamat kay ate Kat sa pagbigay sa akin ng kopya ng librong ito. Nakatutuwang isipin na buhay na buhay ang ispirito ng Buwan ng Wika dahil sa inyong mga aktibidad at patuloy na pagpromote sa mga akdang Pinoy.

Suportahan natin si Kat at iba pang mga hosts ng Wikathon! I-follow o subscribe sila sa:

Bookstagram

Twitter

Booktube

Suportahan rin natin ang iba pang Filipino creators! Puntahan ang mga posts na ito:

Hanggang sa muli, ito na muna ang huli. Mapalad ang mga taong marunong magbasa, kaya’t kailan ka magsisimula? Paalam!

2 thoughts on “[In Filipino] Subuan at Putukan: Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s